Nagsimula ang lahat sa pag-aasam ng kaginhawaan,
Na maiahon ang pamilya mula sa kahirapan.
Nilisan ang bansang aking kinagisnan,
Para dito’y kumayod sa Gitnang Silangan.
Hindi man ako tubo dito sa magarang bayan,
Maraming aral dito’y aking natutunan.
Pakikisama sa ibang tao na turing ay kaibigan,
Hanggang sa maging katuwang sa pangalawang tahanan.
Tiniis ang gutom para sila’y mapadal’han,
Salaping kinikita na sa kanila ay yaman.
Dugo at pawis ang aking tanging puhunan,
Kung mapikit ang mata, sana’y di malimutan.
Dahil sa hating isip, nais kong maliwanagan,
Tama bang pamilya ko ay aking iniwan?
Sa pagiisip na ito aking napatunayan,
Na pera’y nauubos ngunit pamilya’y kabaligtaran.
Kaya’t sa kabila ng mga maaaring makamtan,
Nawari kong mas mabuti pa nga ang lumisan.
Pitong salita ang sa iyo’y bibitawan,
“Hanggang sa muli at paalam, Gitnang Silangan.”
Month: August 2017
After 15 months…

August 10, 2017 – 1:19pm, Sharjah, U.A.E.
Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang nagdala sa mga daliri ko para isa-isang pindutin ang mga letra sa laptop at makabuo ng isang kwento ng katotohanan. Yung kwento ng totoong nangyari sa akin sa loob ng 15 months na 'yun.
I resigned from my longest work ever as contact center specialist in one BPO company. Hindi naman secret sa public yung pag-punta ko dito sa U.A.E. I have been posting a lot on my social media accounts about my stay here. Like other OFW, nagbaka-sakali ako na kumita ng mas malaki lalo pa at meron na akong binabayaran na sariling bahay. Apart from that, I have been to a situation long time ago and I have also been longing to rebuild myself somewhere I have never been. So nung nagkaroon ng opportunity, I grabbed it kasi baka eto na yung matagal ko nang hinahanap.
Since then, I was so dependent of my parents. I had so many travels but this is the first time I'll be out of my comfort zone for a long period of time. I know when I decided to go here, marami akong maiiwan sa Pilipinas – family, friends, career, yung mga organizations where I am a volunteer, at lahat ng bagay na kino-consider kong part of my life. I was half-hearted but I still decided to go dahil walang kasama si Nanay at ang pamangkin kong si Adrhiane pagpunta dito. Besides, naisip ko, "malay mo swertehin ako, eh di jackpot!"
Life in a different country is really hard. Kailangan mong sumunod sa mga rules nila, mag-adjust, mag-adapt, makisabay. We call ourselves 'expatriates' or in Filipino layman's term 'dayo'. I was lucky enough that my biological sister and her husband are living here. I was guided and I must say I was able to gradually absorb the culture here. Pero kahit pa nandito sila, na-realize ko na mahirap pa rin kasi may sariling buhay din sila. I should learn how to stand alone. I should build my own life here in order to survive, and that was even harder.
Ang sabi ko bago ako magpunta dito, gusto kong work ay related sa course ko – which is teaching. Kaya lang, mailap ata ang swerte sa akin. Na-experience ko pa mag-exit sa Oman kung saan kasama ko yung maraming OFW na may iba't-ibang kwento. Yung iba sa kanila pinaasa lang ng company na bibigyan ng employment visa, yung iba naman niloko ng agency at itinakbo ang pera, maraming nanghihingi na lang ng tulong pinansyal sa mga kabayan na nag-exit din. Dahil sa experience ko na yun, mas na-realize ko na napaka-swerte ko pa rin dahil may pamilya ako dito na matatakbuhan. Kung wala siguro baka nabaliw na ako katulad ng iba.
It took me three months before I finally got a job. I was thankful enough na nakahanap ako ng work kahit hindi ito yung pinangarap kong trabaho dito. I worked as a secretary in one trading company nearby. But like anybody else, meron din akong saturation point. I know it's too early pero madali ako nagsawa sa work environment ko. I had friends at work and madali lang naman sana ang work ko, pero may mga forces na nakakapagpa-bigat ng trabaho. I tried ignoring, and actually I can still ignore, pero I decided to just leave.
More importantly, na-realize ko din na 'OMG! Matanda na ang parents ko, kung uubusin ko dito yung time na dapat kasama ko sila, that might be the biggest regret I will have for my entire life!' Nung pumunta ako dito, part sila ng dahilan kung bakit half-hearted ako. Pero di ko pinakinggan yung kalahati ng puso ko na nagsasabing 'hindi naman sila naghahangad ng sobrang gara na buhay. Nakaka-survive naman kayo basta't sama-sama.'
Kagaya ng palagi nating naririnig na kasabihan – 'Ang pera hindi natin yan kayang dalahin sa hukay!' So more than the money I can earn here (which I can actually earn din naman sa Pinas), mas pipiliin ko na makasama ang pamilya ko. I won't go much into details, but to sum it up, I decided to resign from my work and just go home after 5 months of service.
May mga nagsasabi na 'Sayang naman. Nandyan ka na din eh. Maraming gusto makapunta dyan pero ikaw bibitawan mo lang ng ganun.' Believe me, I told that to myself, too.
People may think I'm so impulsive, but of course I considered a lot of things before I decided to do that. Ihinanda ko na din yung sarili ko sa mga consequences na pwede ko harapin.
So far, I'm still waiting for my visa cancellation. Once done, I will immediately fly back to the Philippines. I know this is not yet the end and I'll be facing more when I go back to my comfort zone. Pero this time, iba na. I am not the same as I was when I left the Philippines few months ago.
Kapag naiisip ko yung pag-uwi ko nagpe-playback sa isip ko yung mga linya sa kantang "They Can't Take That Away From Me" ni Mariah Carey.
"They can say anything they want to say, try to bring me down but I will not allow anyone to succeed hanging clouds over me. And they can try hard to make me feel that I don't matter at all. But I refuse to falter in what I believe or lose faith in my dreams. Cause there's a light in me that shines brightly. They can try but they can't take that away from me."
May halong takot yung pag-uwi ko kasi I know for a fact na di natupad yung plan ko dito. Sabihin na nating 'hindi ako nagtagumpay sa journey ko dito'. Takot ako sa pwedeng isipin ng ibang tao sa akin or sa pinagdaanan ko. Part of me is saying 'okay lang yan! Wag mong isipin yung sasabihin ng iba dahil buhay mo yan!'
Pero na-realize ko din naman na…
"Success is not defined by never giving up to challenges. Sometimes, you have to let go and let the fate bring you to your success…"
Magsisimula ako ulit pag-uwi ko. And since I learned from my experience, I am looking forward to start again just right.
Love,
JG